3 patay sa road mishap

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   â€“ Tatlo-katao ang iniulat na namatay habang anim naman ang sugatan matapos magsalpukan ang dalawang SUV sa kahabaan ng highway sa Barangay Larion Alto sa Tuguegarao City, Cagayan kamakalawa. 
 Kabilang sa mga namatay ay sina Armando Mateo Jr., 26; Harvey Turingan, kasama ni Mateo at ang driver ng Isuzu Sportivo na si Rolly del Rosario. Sugatan naman sina Nelita Mayo, 69; Teresita Salvador, 49; Pamela Costales, 32; John Costales, 7, at ang mag-utol na sina Sophia Salientes, 9; at Samantha Salientes, 11. Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat ni PO1 Catherine Rueco, nang agaw ng linya ang Sportivo kaya bumangga sa kasalubong na kotseng Sta. Fe na patungong Maynila na minamaneho ni Mateo Jr. 


 

Show comments