Biyenan dinedo ng manugang

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines   â€“ Pinaniniwalaang paghihiganti ang isa sa motibo kaya binaril at napatay ang 58-anyos na magsasaka ng kanyang manugang na sinasabing lumustay ng malaking halaga kamakalawa sa Barangay Cataracat, ba­yan ng Amulung, Cagayan kamakalawa.

Kinilala ni SPO1 Ro­nald Castillo ang biktima na si Esperdion dela Cruz habang pinagha­hanap naman ng pulisya ang suspek  na si Nario Tapacion, 36, kapwa na­katira sa nasabing bayan.

Sa ulat ng pulisya, lumilitaw na nananghalian ang biktima nang lapitan at barilin sa ulo ng suspek.

Sa salaysay ng mga kaanak ng biktima, sinasabing isinuplong ng biktima sa kanyang anak na asawa ng suspek ang ginagawang paglustay sa pinapadalang pera mula sa trabaho nito bilang domestic helper sa ibang bansa.


Sinasabing nahinto ang sustento ng misis sa suspek kaya nagalit ito sa kanyang biyenan kung saan tinyempuhang kumakain saka isinagawa ang pamamaslang.

 

Show comments