2 bulagta sa pamamaril

NUEVA VIZCAYA , Philippines   â€“ Dalawa-katao ang pinabulagta matapos pagbabarilin ng mga ‘di-kilalang lalaki sa Barangay Baretbet sa bayan ng Bagabag, Nueva Vizcaya kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga napatay na sina Charlie Binbin, 22, tubong Kiangan, Ifugao at Julius Bumoghawe, 22, ng Bayaobimpal, bayan ng Lamut, Ifugao. Sa ulat ng pulisya, lumilitaw na magkasamang nagpapahinga ang mga biktima sa bahagi ng Purok 5 sa nasabing barangay nang lapitan at ratratin. Sa salaysay ng ilang nakasaksi, bigla na lamang sumulpot mula sa madilim na bahagi ang gunmen kung saan unang pinagbabaril si Julius at isinunod si Charlie na nasa loob ng bahay.Tumakas ang gunmen sakay ng puting pick-up na walang plaka.

 

Show comments