53 ingat-yaman ng barangay nalason
BATANGAS, Philippines - – Aabot sa 53-barangay treasurer ang iniulat na nalason matapos mananghalian sa dinaluhang seminar sa bayan ng Malvar, Batangas kahapon.
Ayon kay Tanauan City Administrator Herminilando Trinidad, ang mga biktima ay kabilang sa 1,000 kalahok sa tatlong araw na Batangas Barangay Treasurer seminar na ginaganap sa Lima Hotel sa nasabing bayan.
Sa ulat na nakarating sa Tanauan City Hall, 30 participants ang isinugod sa Mary Mediatrix Hospital sa Lipa City, 10 sa CP Reyes Hospital at 13 naman sa Mercado Hospital sa Tanauan City.
Sa salaysay ni Eva Oida, ingat-yaman ng Barangay Ulango sa Tanauan City, nakaranas sila ng pagkahilo, pananakit ng tiyan at pagsusuka matapos kumain ng ube cake, fruit juice, fish fillet, chicken at ensaladang talong sa kanilang tanghalian.
“Actually hindi pa namin malaman kung ano talaga ang nakaapekto sa amin, kasi ‘yung iba hindi naman nakakain ng lunch pero nagkasakit din,†dagdag pa ni Oida
“Yung ibang delegates naamoy na medyo masama na ang ensaladang talong kaya malaki ang hinala nila na yon ang nakasira ng mga tiyan nila,†pahayag naman ni Virginia Lopez ng Tanauan City
Tiniyak naman ng pamunuan ng Lima Hotel na sasagutin nila ang pagpapagamot ng mga naapektuhang mga opisyal ng barangay.
- Latest