2 gunmen napatay sa shootout… Police asset nilikida

BATAAN, Philippines – Pinabulagta ang 42-anyos na sinasabing police asset matapos itong ratratin ng riding-in-tandem sa Sitio 2000, Barangay Capitangan sa bayan ng Abucay, Bataan kamakalawa ng gabi. Labintatlong bala ng cal. 45 pistol ang tumapos sa buhay ni Carlito Dela Rosa ng Molayo Street sa  Barangay Panilao, bayan ng Pilar, Bataan. Sa police report na nakarating kay P/Senior Insp. Janice Piga, papalabas nang bahay ni SPO1 Benjie Gloria ang biktima nang pagbabarilin ng mga di-kilalang lalaki na lulan ng motorsiklo. Mabilis na tinungo ni Gloria ang pinanggalingan ng putok kung saan nakita niyang naliligo sa sariling dugo ang biktima. Narekober sa crime scene ang 13-basyo ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang pagsisiyasat.

Show comments