Pot session sa bus, 5 pa huli

BULACAN, Philippines — Bagsak kalaboso ang tatlong driver at dalawang konduktor ma­tapos ang mga itong maaktuhang nagsasagawa ng shabu pot session sa loob ng isang pampasaherong bus sa Brgy. Banga, Meycauyan City, Bulacan kahapon.

Kinilala ang mga na­arestong drug user na sina Brian Arozal, 33; Elmer Cristo, 49; Elwin Andrales, 38; pawang mga bus driver at sina Jessie Gabarda, 47; at Abel Abuya, 34; mga konduktor; pawang nakatira sa terminal ng bus sa nasabing lugar.

Base sa ulat ni Supt. David­ Poklay dakong alas 4:30 ng hapon ay isang impormante ang nag-report sa pulisya hinggil sa nagaganap na pot session sa loob ng Malanday Metrolink Transport Bus (TWH-948 ) na pansamantalang nakaparada sa bisinidad ng kilalang gasolinahan sa Macarthur Hiway, Brgy. Bañga sa naturang siyudad.

Agad nagresponde ang mga awtoridad at naaktuhan ang mga suspek na sumi­singhot ng shabu.

Nasamsam mula sa mga ito ang pitong  sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.

 

Show comments