Imbayah sa Banaue, dinagsa
BANAUE, Ifugao, Philippines - – Dinagsa ng mga dayuhan at local na turista ang rice terraces sa Banaue, Ifugao para masaksihan ang “Imbayah Festival†na idinaraos lamang tuwing tatlong taon.
Ayon kay Chairman Fernando Bahatan, kapansin-pansin ang pagdami ng mga turista bago pa ang takdang araw ng Imbayah Festival kung saan ilan sa mga hotel ay maagang napuno maging ang mga maliliit na paupahan.
Maaga naman ang paghahanda na isinagawa ng pamunuan ng local na pamahalaan ng Banaue sa pangunguna ni Mayor Jerry Dalipog ang pagdiriwang ng Imbayah Festival na nag-umpisa noong Sabado (26 April) at nagtapos kahapon.
Ang Imbayah ay hango sa salitang “bayahâ€, ibig sabihin ay rice wine. Ang “Bumayah†o “ Imbayah†ay nagpapahiwatig ng kasaganaan kung saan ang pagdiriwang ay nag-uumapaw ng rice wine mula sa mga banga, pamamahagi ng mga karneng baboy sa lahat ng mamamayan kabilang na ang mga anito/diyos.
Sa limang araw na pagdiriwang ay makikita ang mga katutubong Ifugao mula bata hanggang matanda sa makulay na kasuotan tulad ng Tapis, palamuti sa mga kababaihan, ang tradisyonal na bahag o G-string, head gears at iba pang katutubong kwintas at palamuti naman para sa mga kalalakihan.
Maliban sa mga katutubong mga palabas ay masasaksihan sa Imbayah ang mga sinaunang mga laro tulad ng arm, leg, body wrestling, paligsahan sa pagbayo ng palay at marami pang iba kabilang na ang wooden scooter race na isa sa pinakaaabangan ng mga manonood.
Maging ang mga dayuhang turista ay nakiisa rin sa pagdiriwang kung saan ang ilan sa kanila ay nagsuot na rin ng mga bahag, nakibahagi sa mga ritwal, nakisayaw at nawiwili sa pagnguya ng Moma (betel nut) na hindi nawawala sa tradisyon at kultura ng mga Ifugao.
- Latest