Fetus inabandona sa cr ng Jollibee

MANILA, Philippines - Nagulantang ang mga crew at kustomer ng Jollibee fastfood chain matapos na madiskubre ang isang fetus sa comfort room ng mga babae sa nasabing establisyemento sa San Francisco, Agusan del Sur kamakalawa ng hapon.

Sa ulat  ng Police Regional Office (PRO) 13 , bandang alas- 4 ng hapon ng mapatili ang service crew na si Glaze Mangadlao, 19  nang makita ang fetus sa toilet bowl.

Ayon kay Mangadlao, lilinisin niya ang comfort room ng mga babae nang magulantang sa duguang fetus na nakalutang sa toilet bowl na kaniyang nakita.

Agad na ini-report ng Jolli­bee personnel  ang insidente sa pulisya  na mabilis na nagresponde sa sangay ng establisyemento sa Public Market, Brgy. 2, San Francisco ng lalawigang ito. Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang walang pusong ina na umabandona sa naturang fetus sa comfort room ng Jollibee.

Show comments