MANILA, Philippines - Umaabot sa pito-katao ang namatay habang 16 naman ang sugatan makaraang magkarambola ang limang sasakyan sa kahabaan ng Diversion Road sa Barangay Ma-a, Davao City, Davao del Sur noong Sabado ng gabi.
Sa ulat ng Davao City PNP na isinumite sa Camp Crame, kabilang sa mga sasakyang nagkarambola ay ang forward truck, Tamaraw pick-up, trailer truck, motorsiklo at ang Ford Excape SUV.
Nabatid na naunang sinalpok ng forward truck na kargado ng saku-sakong bigas ang Tamaraw pick-up na may 20 pasahero kung saan sinalpok naman ang trailer truck sa kahabaan ng Diversion Road.
Gayon pa man, sinalpok ng trailer truck ang moÂtorsiklo.
Hindi kaagad nakapagpreno ang forward truck na minamaneho ni Kim Cangue kaya nabundol naman nito ang Ford Escape bago sumalpok sa traffic light.
Kabilang sa mga namatay sa pinangyarihan ng saÂkuna ay sina Teresa Baogbog, Liza Baogbog, Juanita Baogbog at Jojo Sarentas died-on-the-spot.
Samantala, idineklarang patay naman sa Southern Phils. Medical Center ang tatlong bata na sina Rexi Ali, 7; Zian Roncal, 6: at si Lester Baogbog, 2.
Patuloy naman ginaÂgamot sa nasabing ospital ang 16 sugatan kabilang ang ilang nasa kritikal na kalagayan.Base sa police report, ang mga namatay na lulan ng Tamaraw pick-up ay sinasabing papauwi na mula sa birthday party sa Decca Homes.
Kaagad namang sumuko sa Tolomo PNP ang driver ng truck na si Cangue kung saan inamin nitong nawalan ng preno ang kanyang sasakyan.