Pulis, 2 senglot utas sa road mishap

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - – Tatlo-katao ang namatay kabilang ang isang pulis sa naganap na magkahiwalay na sakuna sa bayan ng Alicia, Isabela at bayan ng Currimao, Ilocos Norte kamakalawa. Kinilala ni P/Chief Insp. Edilmar Alviar, hepe ng Alicia PNP ang mga biktima na sina Ferdinand Dupale at Recto Par Jr. kapwa residente sa Barangay Sto. Tomas.
 Ayon sa police report, senglot ang mga biktima nang salpukin ang waiting shed sa bahagi ng Barangay Callao mula sa pakikipag -inuman.
 Samantala, Namatay naman si PO2 Chrisler Dan Liberato, 27, ng Currimao PNP makaraang sumadsad sa kalsada ang motorsiklo nito matapos itong mawalan ng kontrol sa kanyang pagpapatakbo sa Barangay Tapao-Tigue, Currimao, Ilocos Norte. Sinasabing walang suot na helmet si PO2 Liberato nang maganap ang aksidente.

Show comments