^

Probinsiya

Sadistang ama, sinaksak ng anak

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines â€“ Nakabaon pa ang kutsilyo sa katawan ng isang 44-anyos na ama nang isugod sa pagamutan  matapos na saksakin ng sariling anak dahil sa pagtatanggol ng huli sa nakakabatang kapatid na babae sa matinding pana­nakit ng ama sa Sitio Basud, Barangay San Rafael, Guinobatan, Albay kamakalawa.

Kasalukuyang nag-aagaw-buhay sa BRTTH (Bicol Regional Training and Teaching Hospital) si Dominador Lacsinto,   may-asawa, magsasaka at residente ng naturang lugar bunga ng tinamong tama ng patalim sa tiyan.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang anak na suspek na kinilalang si Albert Lacsinto, 18, binata ng  nasabi ring lugar.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:20 ng hapon habang ang biktima ay lango umano sa alak nang  napagbalingan  nito ang anak na babae at pinagpapalo sanhi ng inabot na mga pasa sa katawan.

Napag-alaman na  hindi umuwi sa kanilang bahay ng nakaraang gabi ang anak na dalagita at nakitulog sa kanyang mga kaibigan na siyang ikinagalit ng ama.

Hindi naman nakatiis ang suspek nang makitang labis nang nasasaktan ang kapatid na babae sa pananakit ng kanilang ama at nang hindi maawat ay agad na nagtungo ang una sa kanilang kusina at kumuha ng kutsilyo. Agad nitong sinugod ang ama saka sinaksak sa tiyan.

Matapos ang pananaksak, mabilis na tumakas ang suspek.

Ang dalagita na hindi tinukoy ang pangalan ay dinala rin sa ospital at  matapos na magamot ay sa tanggapan ng Women and Children’s Protection Desk ng himpilan para sa kaukulang pagsisiyasat at posibleng pagsasampa ng kasong pananakit ng ama.

 

ALBERT LACSINTO

BARANGAY SAN RAFAEL

BICOL REGIONAL TRAINING AND TEACHING HOSPITAL

DOMINADOR LACSINTO

LEGAZPI CITY

PROTECTION DESK

SITIO BASUD

WOMEN AND CHILDREN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with