Hepe ng pulisya, utas sa ambus!
MANILA, Philippines - Patay ang hepe ng pulisya matapos na tambangan at pagbabarilin ng mga hindi kilalang kalalakihan habang dumadaan sa highway ng Brgy. Dulagan, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao nitong BiÂyernes ng hapon.
Kinilala ang nasaÂwing opisyal na si Inspector Tiongan Namla, Chief of Police sa bayan ng Mother Kabuntalan ng nasabing lalawigan.
Ayon kay Sr. Supt. Rodelio Jocson, hepe ng Maguindanao Police, dakong alas-5:45 ng hapon habang binabagtas ni Namla ang nasabing lugar lulan ng motorsiklo nang buntutan siya ng isang pick-up truck na walang plaka habang dalawang armado pang lalaki na lulan ng magkahiwalay na motorsiklo ang nagsilbing backup.
Pagsapit sa lugar ay agad na pinaulanan ng bala ng mga suspek ang biktima na duguang tumilapon sa motorsiklo.
Pagbagsak sa kalsada ay nilapitan pa ng dalawang lulan ng motorsiklo ang biktima saka muling pinagbabaril.
Nang matiyak na wala nang buhay ang opisyal, agad na nagsitakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Cotabato City.
Narekober ng mga nagÂrespondeng awtoridad ang mga basyo ng bala ng kaÂlibre 45 pistol at M-16 rifles.
Ipinag-utos na ni Jocson ang masusing imbestigasyon sa motibo ng krimen at upang matukoy ang mga nasa likod ng pamamaslang.
- Latest