MANILA, Philippines - Matapos ianunsyo ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang pagpasok ng tag-init, nagbabala rin sila na maaaring umabot ng 37 degrees Celcius ang temperatura sa bansa.
Sinabi ng PAGASA ngayong Biyernes na magiging maaliwalas ang panahon sa buong bansa ngunit kaakibat nito ang matinding init dahil sa pag-iral ng easterlies at high pressure area.
Pero kahit maalinsangan ang panahon ay asahan ang pulu-pulong pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa.
Kaugnay na balita: Tag-araw na! - PAGASA
Sinabi ng PAGASA na isang bagyo lamang ang inaasahan nilang pumasok sa Philippine area of responsibility sa Abril.
Naitala ang pinakamainit na temperatura sa bansa sa Tugegarao, Cagayan kung saan pumalo sa 42.2 degrees Celsius noong Mayo 11, 1969.