^

Probinsiya

Bus sumirko sa SLEx: 20 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawampung pasahero ang nasugatan kabilang ang isang misis na naputulan ng kamay matapos na sumirko ang pampasaherong bus sa ka­habaan ng South Luzon Expressway sa Sta. Rosa City, Laguna kahapon ng umaga.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, bandang alas-6:15 ng umaga ng maganap ang sakuna.

Ayon sa imbestigasyon, lumuwag at biglang natanggal ang kanang gulong ng Southern Carrier Bus kaya sumirko at sumadsad sa kahabaan ng highway.

Bunsod nito ay nasakop ng nasabing bus na nahulog  sa kanang bahagi ng nasabing highway at nasakop pa ang dalawang lane kaya umabot sa apat na kilometro ang pagkakabuhul-buhol ng trapiko.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang nasabing bus na may lulang 50-pasahero ay patungong Lipa City, Batangas mula sa terminal sa Pasay City nang mangyari ang sakuna kung saan nasugtan ang 20 pasahero.

Agad namang naisugod sa San Jose Hospital at Biñan Doctors Hospital ang mga nasugatang pasahero, ilan sa mga ito ang nabalian ng buto habang ang isang misis naman ay naputulan ng kamay.

Samantalan, nagkasunud-sunod namang rumes­ponde ang mga bumbero upang mapigilan ang posibleng sunog matapos na kumalat ang crude oil ng bus sa kalsada.

 

CAMP CRAME

DOCTORS HOSPITAL

LIPA CITY

PASAY CITY

ROSA CITY

SAN JOSE HOSPITAL

SOUTH LUZON EXPRESSWAY

SOUTHERN CARRIER BUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with