Trike vs trak: 2 patay, 6 sugatan

CAMARINES NORTE , Philippines    - Dalawa-katao ang bumulagta habang anim naman ang malubhang nasugatan matapos salpukin ng trak ang kasalubong na traysikel sa kahabaan ng highway sa Barangay Timbaan, bayan ng San Andres, Catanduanes kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang dalawang namatay na sina Arnel De Leon, driver ng tricycle at Ophalyn Pingol.

Naisugod naman sa Eastern Bicol Medical Center sa bayan ng Virac ang mga sugatang biktima na sina Eden Aban, Jonathan Brequillo, Gloria Laurente, Janu Soneja, Edna Capistrano, at si Amilou Celso na pawang pasahero ng traysikel.

Naaresto naman at pormal na kakasuhan ang driver ng trak na si Sonny Vecina.

 

Show comments