5-anyos utas sa baril ng tiyo

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - - Napatay ang 5-anyos na nene matapos pumutok ang baril na pinag­lalaruan ng kanyang tiyuhin sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Elizabeth, bayan ng Dingras, Ilocos Norte kamakalawa. 
Kinilala ni P/Chief Insp. Teddy Rosqueta, ang biktima na si Jona Rose Ditad habang nasakote naman ang suspek na si Jeffrey Rico, 30, magsasaka.
 Nabatid na  ang biktima ay inihabilin sa suspek dahil nasa ibang bansa ang mga magulang nito. 
Naisugod naman sa Mariano Marcos Memorial Hospital sa Batac City kung saan ito binawian ng buhay kahapon.

Show comments