Shootout: Akyat-bahay dedo

CAVITE , Philippines  â€“ Bumulagta ang isang ’di-kilalang lalaki na sinasabing miyembro ng Akyat-Bahay Gang makaraang makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa  bahagi Sarreal Sub. sa Barangay Bucandala 2, Imus City, Cavite kamakalawa.  Base sa police report na nakarating kay P/Senior Supt. Joselito Esquivel, namataan ng ilang residente ang suspek na animo’y may hinahanap kung saan ipinagbigay-alam sa himpilan ng pulisya. Kaagad naman rumesponde ang pulisya kung saan tinangkang sitahin ito subalit pinutukan sila hanggang sa maganap ang shootout. Narekober ang isang cal. 38 revolver, bonnet, itim na bag na naglalaman ng iba’t-ibang ATM card at motorsiklo na sinasabing gamit ng napatay.

 

Show comments