Negosyante pinabulagta

MANILA, Philippines - Sumambulat ang ulo ng 54-anyos na negosyante makaraang pagbabarilin ng hindi pa kilalang lalaki sa panibagong karahasang naganap sa panulukan ng Loloy Grande sa Barangay Talon-Talon, Zamboanga City, Zamboanga del Sur noong Miyerkules ng gabi. Napuruhan sa ulo ang biktimang si Arasad Aminte ng Arena Blanco sa nasabing lungsod at may negosyong seaweeds. Kasalukuyang lulan ng pampasaherong jeepney ang biktima mula sa Arena Blanco patungong kalunsuran nang barilin ng gunman pagsapit sa panulukan ng Loloy Grande makaraang may bumaba ng pasahero.

 

Show comments