Kahera utas sa payroll holdap

BULACAN, Philippines - Napaslang ang babaeng kahera ng pribadong kompanya matapos itong pagbabarilin ng apat na kalalakihan sa naganap na payroll holdap sa Barangay Sta. Cruz, bayan ng Guiguinto, Bulacan kamakalawa ng umaga. Hindi na umabot pa ng buhay sa Bulacan Polymedic Hospital ang biktimang si Evelinda Tamares, 52, ng Barangay Bunlo sa bayan ng Bocaue, Bulacan. Ayon kay PO2 Ervin Macmelan, nag-withdraw sa banko ng P.15 milyon ang biktimang lulan ng SUV (ZGM-262) para sa payroll ng kanilang mga tauhan nang harangin ng apat na lalaki na lulan ng dalawang motorsiklo pagsapit sa bahay ng kanyang utol sa Violeta Village sa nasabing barangay. Dito na niratrat ang biktima saka tinangay ng apat ang paper bag na naglalaman ng malaking halaga.

 

Show comments