^

Probinsiya

NPA political officer sumuko

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dumanas ng panibagong dagok ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos na sumuko sa tropa ng militar ang isa nitong political officer sa Brgy. Linao, San Isidro, Davao del Norte kamakalawa .

 Kinilala ni AFP- Eastern Mindanao Command Spokesman Captain Alberto Caber ang sumukong lider ng mga rebelde na si Geneng Ambas, alyas Ka Chong.

Bandang alas-9 ng umaga, ayon sa opisyal ng mag­desisyong sumurender si Ka Chong sa tropa ng Army’s 72nd Infantry Battalion  sa Purok 6, Brgy. Linao, San Isidro ng lalawigang ito.

Sa tala ng militar, sinabi ni Caber na umaabot na sa 230 ang mga nagsisukong rebeldeng NPA simula noong 2013 hanggang sa kasalukuyan. 

Samantala, ayon naman kay Army’s 10th Infantry Division (ID) Spokesman Lt. Ernest Carolina nakubkob ng tropa ng militar ang isang kampo ng mga rebelde sa engkuwentro sa Malita, Davao Occidental dakong alas-10:45 ng umaga. Ang bakbakan ay nagresulta sa pagkakaaresto sa rebeldeng si Rodane Antiodo alyas Ka Dandan, lider ng Squad 1 ng Platoon Uno ng Front Committee 75 ng NPA.

vuukle comment

BRGY

DAVAO OCCIDENTAL

EASTERN MINDANAO COMMAND SPOKESMAN CAPTAIN ALBERTO CABER

ERNEST CAROLINA

FRONT COMMITTEE

GENENG AMBAS

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

KA CHONG

KA DANDAN

SAN ISIDRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with