Grade 6 dedo sa kuryente

CAMARINES NORTE, Philippines - — Gumuho ang pangarap ng mga magulang ng 12-anyos na mag-aaral makaraang makuryente sa poste na pag-aari ng lokal  na pamahalan ng Capalonga, Camarines Norte kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot ng buhay sa Camarines Norte Provincial Hospital sa Barangay Talobatib, bayan ng Labo, ang biktimang si Phillip Asilo, Grade 6 pupil sa Capalonga Central School at nakatira sa Purok 2, Barangay Poblacion. Base sa ulat, naglalakad ang biktima sa bisinidada ng Baywalk area sa Purok 1 nang mangisay ito matapos mapahawak sa posteng bakal ng street lights na may kuryente. Pinaniniwalaang kapabayaan ng mga nanga­ngasiwa sa poste ng kuryente kaya naganap ang insidente.

Show comments