87-anyos dedo sa akyat-bahay

CAMARINES NORTE, Philippines â€“ Brutal na kamatayan ang sinapit ng 87-anyos na lola matapos itong pagnakawan ay iginapos at binusalan hanggang sa mapatay ng ilang miyembro ng Akyat-Bahay Gang kamakalawa ng umaga sa Purok 6, Barangay Borabod, bayan ng Daet, Camarines Norte. Kinilala ni SPO1 Jay Bacerdo ang biktima na si  Felipa Lunario, biyuda, at da­ting guro sa Daet Parochial School. Nagawang makapasok sa bahay ng biktima ang mga kawatan matapos wasakin ang bintana sa likod-bahay. Nadiskubre ang krimen matapos dumalaw sa bahay ng biktima ang barangay health officer na si Marites Abogado.Napag-alamang kumain pa ang mga kawatan bago tumakas tangay ang di-nabatid na halaga ng mga ari-arian.

 

Show comments