MANILA, Philippines – Pinabulaanan ng Department of Health ngayong Martes ang mga balitang may kumakalat na “flesh-eating†skin disease sa Pangasinan.
Sinabi ni Health Secretary Enrique Ona na walang dahilan upang magpanic dahil hindi totoo ang balita.
“There is no reported case of ‘flesh-eating’ skin disease in the country yet. Absolutely no reason for the public to panic,†wika ni Ona.
Tinutukoy ni Ona ang dalawang kaso ng mga biktimang may sakit sa balat na inakala umanong flesh-eating disease.
Nilinaw ni Regional Director (Region I) Dr. Myrna Cabotaje na sanhi ng multi-drug therapy ang ketong na nakuha ng 21-anyos na babae sa Sta. Barbara, Pangasinan.
Dagdag niya na tapos nang gamutin ang biktima at sa kasalukuyan ay nagpapagaling ito.
May sakit na severe psoriasis naman ang isa pang biktima na mula sa Villasis, Pangasinan,
“There are a lot of diseases that may manifest through changes in the skin. It is good to consult our doctors or go to the nearest barangay health unit when we need medical advice and treatment. Let us avail of the free healthcare service in our health facilities,†paalala ni Ona.