Opisyal ng pulisya nilikida

MANILA, Philippines - Pinabulagta ang isang opisyal ng pulisya matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins habang sugatan naman ang anak nitong kolehiyala sa naganap na pananambang sa bahagi ng Biñan City, Laguna kahapon ng umaga.

Kinilala ang napatay na si P/Senior Inspector Jerry Uy, nakatalaga sa admi­nistration office ng Biñan City PNP.

Sa phone interview, sinabi ni  Biñan City PNP director P/Supt. Rizalito Gapas, naganap ang pa­nanambang sa kahabaan ng highway sa Barangay Sto. Domingo dakong alas-6:45 ng umaga.

Nadamay naman ang anak na si Debbie, 17, estudyante na patuloy na ginagamot sa Perpetual Help Hospital.

Sa police report na isi­numite sa Camp Crame, lumilitaw na ihahatid sana ng biktima ang anak nito sa eskuwelahan lulan ng motorsiklo nang biglang paputukan ng tandem pagsapit sa nasabing lugar.

Pinaniniwalaan namang may kinalaman sa sensitibong trabaho ng biktima ang pananambang habang patuloy ang imbestigasyon.

Show comments