CAVITE, Philippines - – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 15-anyos na kasambahay makaraang itong sakalin ng apo ng may-ari ng bahay sa Barangay Salawag, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa. Bandang alas-11: 30 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng bahay sa Oakridge Filinvest sa nasabing barangay. Samantala, pinaghahanap na ng pulisya ang suspek na si Christian Joe Poblete, 20, ng Antipolo City, Rizal. Sa ulat ni P01 Ellaine Magsino, pinasok at nilooban ng suspek ang bahay ng kanyang lola kung saan bago tumakas ay sinasabing hinalay pa ang biktima. Narekober sa crime scene ang ilang gamit ng suspek para makapasok sa nasabing bahay.