‘Land grabber’ dinedo ng NPA

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - – Napaslang ang 58-an­yos na magsasaka na inakusahang land grabber makaraan itong ratratin ng mga rebeldeng New People’s Army sa compound ng Bukig National Arts and Technical School sa liblib na bahagi ng Barangay Bukig sa bayan ng Aparri, Cagayan. Sa ulat na nakarating kay Cagayan PNP Director P/Senior Supt. Gregorio Lim, sinundo ng mga rebelde ang biktimang si Reynaldo dela Cruz kasama ang mag-anak nito kung saan sila dinala sa nasabing compound. Ayon kay PO3 Emmanuel Padul, binasahan ng reklamo at sentensiya ang biktima sa harap ng kanyang pamilya bago pinagbabaril.

Show comments