Kano dakma sa kasong rape

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Kalaboso ang binagsakan ng 53-anyos na Kano matapos masakote ng mga operatiba ng pulisya sa kasong panggagahasa kamakalawa sa Barangay Pagdalagan, bayan ng Bauang, La Union. Kinilala ni La Union PNP spokesman P/Chief Insp. Marlon Paiste ang suspek na si Philip Vaugh Cox na nahaharap sa dalawang kasong 1st degree rape na isinampa laban sa kanya sa US Court. Si Cox ay inendorso ng pulisya sa Bureau of Immigration and Deportation sa Maynila matapos itong madakip. Nabatid na may isang taon nang naninirahan sa bansa si Cox kasama ang kanyang ka-live-in na Pinay sa bayan ng Bauang.

Show comments