Misis itinumba sa harap ng mall
MANILA, Philippines - Napatay ang 20-anyos na misis matapos itong barilin ng di-kilalang lalaki sa labas ng mall sa Quezon Street, Iloilo City, Iloilo noong Lunes ng gabi. Napuruhan sa likurang bahagi ng ulo at idineklarang patay sa St. Therese Hospital ang biktimang si Frances Lei Reyes ng Barangay San Rita sa bayan ng Oton, Iloilo. Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Alexander Rosales, bandang alas-6:30 ng gabi nang lumabas ng mall ang biktima na may bitbit na plastic bag na pinamili ng lapitan at barilin ng gunman. Sa tala ng pulisya, ang biktima ay may dalawang anak na menor-de-edad sa magkaibang lalaki kung saan sinisilip ng mga awtoridad ang anggulong love triangle. The Phil. Star News Service
- Latest