MANILA, Philippines – Pitong miyembro ng New People's Army (NPA) ang kusang sumuko sa Armed Forces' Eastern Mindanao Command sa Compostela Valley, South Cotabato at Davao Oriental nitong weekend.
Sumuko ang dalawang NPA na nakilala lamang sa pangalang “Bryan" at "Jason" nitong Enero 24 sa 67th Infantry Battalion sa Barangay Salingkumot, Baganga, Davao Oriental bandang tanghali.
Sa 27th Infantry Battalion naman nagbaba ng armas sina Ailyn Pandatu, Ena Pandatu, Bonjoe Ulaw, at Dodok Quileste noong sumunod na araw sa Sitio Tuboran, Barangay Ned in Lake Cebu, South Cotabato.
Huling sumuko ang hinihinalang pinuno ng extortion unit ng NPA na si Efren Genoya sa 66th Infantry Battalion sa Barangay Cabinuangan, New Bataan, Compostela Valley Province kahapon.
Sinabi ng tagapagsalita ng Eastern Mindanao Command Capt. Alberto Caber na nakonsensya ang mga rebelde sa kabi-kabilang panggugulo at panlalamang sa Mindanao.
Dagdag ni Caber na hindi rin natanggap ng mga rebelde ang mga ipinangako sa kanila nang hiyakitang sumali.
"They are now undergoing interview at respective headquarters and for proper disposition," banggit ni Caber.
Umabot sa 200 NPA ang sumuko nitong nakaraang taon, habang ngayong 2014 ay umabot na sa 20 ang mga nagbalik loob.
Naniniwala naman si Eastern Mindanao Command chief Lt. Gen. Ricardo Rainier G. Cruz III na marami pang mga rebelde ang susuko.
“I am confident that there would be more NPA returnees in the coming days. This is the result of the collaboration between our local officials, community and our Bayanihan teams on peace outreach works in the far flung barangays.â€