PSN corres inakyat-bahay

CAMARINES NORTE, Philippines - - Umaabot sa P70,000 halaga ng ari-arian ang natangay matapos pasukin at pagnakawan ng Akyat-Bahay Gang ang Bicol correspondent ng Pilipino Star NGAYON sa Purok 6 Brgy. Lag-On, Daet, Camarines Norte kahapon ng madaling araw. Bandang alas-6:30 ng umaga nang madiskubre ang insidente ni Francis R. Elevado kung saan natangayan  ng NIKON D60, camera bag with accessories, Pensonic DVD player, CD player with AM/FM,  Aiwa tape recorder,  cell phone, at iba pang gamit. May posibilidad na pinatay muna ang ilaw sa poste bandang alas-2 ng mada­ling araw saka sa umakyat ang mga kawatan sa bintana sa gilid ng garahe.  Malaki naman ang pasasalamat ng pamilya Elevado dahil sa walang nagising sa kanila at kung nagkataon mapipilitang manlaban o pumatay ang mga kawatan.

Show comments