Pulis, 5 kasamahan, timbog sa Batangas raid

MANILA, Philippines - Tiklo ang anim na kalalakihang hinihinalang miyembro ng gun for hire group, kabilang ang isang pulis, sa probinsya ng Batangas.

Nadakip ng pinagsamang puwersa ng National Bureau of Investigation, Philippine Army at Air Force ang mga suspek sa bisa ng search warrant na inilabas ng Malabon Regional Trial Court.

Nakumpiska sa isinagawang raid sa Calaca, Batangas ang matataas na kalibre ng baril tulad ng M-16 assault riffle at kalibre .45 automatic pistols.

Ayon sa ulat, isang raid din ang isinagawa sa isa pang bayan sa Batangas.

Show comments