Grade 1 pupil dedo sa swing

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - - Sinalubong ni kamatayan ang 6-anyos na Grade one pupil matapos itong tumilapon mula sa nilalarong swing kung saan tumama ang dibdib nito sa bakal ng nasabing palaruan sa loob mismo ng North Central Elementary School sa Barangay Busel-busel, bayan ng Santiago, Ilocos Sur kamakalawa. Kinilala ni Ilocos sur P/Supt. Marlo Castillo ang namatay na si Jaymar Suma ng nasabing barangay. Ayon sa ulat, kasama ng biktima ang mga kaklase nito na naglalaro sa swing nang mahulog ito at tumalsik sa steel pipe na stand ng nasabing swing.  Isinugod muna ang bata sa Rural Health Clinic ng Santiago bago ito inilipat sa Candon City Hospital kung saan ito binawian ng buhay matapos ang apat na oras.

Show comments