^

Probinsiya

Xmas massacre: Mag-ina utas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Brutal ang sinapit na kamatayan ng isang mag-ina matapos na pasukin ang kanilang tahanan saka pagba­barilin ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin sa naganap na masaker sa mismong araw ng Pasko, kahapon ng madaling-araw sa Talisay City, Cebu.

Ayon kay PO3 Junel Ater,   ng Talisay City Police, kinilala ang nasawing mag-ina na sina Carlota Caña, 38 at anak nitong si Christian Caña, 20.

Si Carlota ay dead-on-arrival sa Talisay District Hospital  sa tinamong isang tama ng bala sa kaliwang braso na naglagos sa kaniyang dibdib habang binawian naman ng buhay ang anak nito na nagtamo ng  limang tama ng bala sa katawan  habang ginagamot sa Vicente Sotto Memorial Medical Center.

Base sa imbestigasyon,  mahimbing na natutulog ang mag-ina sa loob ng tahanan ng mga ito sa Sitio Riverside, Brgy. Lawaan II, Talisay City dakong ala-1:20 ng mada­ling-araw ng mangyari ang insidente.

Ayon sa mga pulis, pinasok ng mga armadong lalaki ang tahanan ng mag-ina saka pinagbabaril si Christian na narinig naman ng ina nito na nagawa pang makahingi ng saklolo sa may bintana saka nagtatakbo ang ginang.

Gayunman, hinabol ito ng isa sa mga suspek saka pinagbabaril hanggang sa bumulagta.

Ayon kay Ater, pinaniniwalaang 357 magnum o kaya naman ay cal. 38 revolver ang ginamit ng mga salarin base sa tinamo ng mga itong tama ng bala pero nabigo ang mga imbestigador na makarekober ng mga basyo ng bala sa crime scene.

Sa kasalukuyan, ayon kay Ater ay patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito upang madetermina ang motibo ng krimen.

Samantala, inaalam na rin ng mga imbestigador kung may kinalaman ang naka­hiwalayang mister ng ginang sa motibo ng krimen o kung may kaaway ang anak nito na posibleng rumesbak.

ATER

AYON

CARLOTA CA

CHRISTIAN CA

JUNEL ATER

SI CARLOTA

TALISAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with