^

Probinsiya

Jailbreak: 6 preso pumuga

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines - – Anim na preso ang nakapuga matapos wasakin ang rehas na bakal sa Kidapawan City Jail sa North Cotabato, kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ni Kidapawan City PNP director P/Supt. Leo Ajero ang mga pugante na sina Latip Macarao Ampaso na may kasong drug trafficking; Alvin Saloder Adajar, carnapping; Darwin Monde Lejista, theft at robbery; Eduardo Saladaor Elagan at Cris Ferbrero Selbano, kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Violence against Women and Children; at isang menor-de-edad na nahaharap sa kasong murder.

Hindi naman matukoy ng pulisya kung paano nakalusot ang lagaring ginamit sa ventilation bars sa likurang bahagi ng selda tres ng Kidapawan City Jail.

Sa lakas ng ulan ay hindi na narinig ng mga guwardiya ang ingay ng paglagari matapos lagyan ng mantika ang mga round bars.

Nakahanda namang harapin ni Ajero ang maaa­ring hakbang na gagawin ng mga nakatataas na opisyal ng PNP sa naganap na jailbreak.

ALVIN SALODER ADAJAR

CRIS FERBRERO SELBANO

DARWIN MONDE LEJISTA

EDUARDO SALADAOR ELAGAN

KIDAPAWAN CITY

KIDAPAWAN CITY JAIL

LATIP MACARAO AMPASO

LEO AJERO

NORTH COTABATO

REPUBLIC ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with