MANILA, Philippines - Nagdulot ng panibagong sumpa ang itinuturing na killer song na My Way matapos mauwi sa karahasan ang agawan ng mikropono sa videoke bar na ikinamatay ng 47-anyos na mister habang isa pa ang grabeng nasugatan sa Zamboanga City kamakalawa.
Kinilala ni P/Chief Insp. Ariel Huesca, spokesman ng police regional office 9 ang napatay na si Nonito Bernardo habang isinugod naman sa pagamutan ang kaibigang nitong si Fernando Aragon, 52.
Sumuko naman sa pulisya matapos makorner ang suspek na si Arnel Faustino, 38.
Naganap ang kaguluhan sa Sitio Pagsanjan, BaÂrangay Calabasa bandang alaÂuna ng madaling araw kung saan nagkakasiyahan ang mga biktima at ang grupo ng suspek nang mag-agawan ang mga ito sa mikropono sa kantang My Way.
Dito na nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng suspek at ng mga biktima na humantong sa pananaksak.