Kinalasan ng nobya, nagbigti

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines   â€“ Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 20-anyos na Criminology student na sinasabing kinalasan ng kanyang nobya matapos itong magbigti sa boarding house kamakalawa ng gabi sa Tara Street, Barangay F. Magallanes sa Masbate City, Masbate. Bandang alas-9:40 ng gabi nang matagpuan ang katawan ng biktimang si Soren Dela Cruz, 3rd year Criminology student sa Osmeña Colleges at residente sa nabanggit na barangay. Nabatid na una ng nagtangkang magpakamatay ang biktima noong nakalipas na linggo pero naagapan ng mga kasamahan sa boarding house subalit hindi na nakaligtas kay kamatayan sa ikalawang pagkakataon.

 

Show comments