3 patay sa killer bus

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - – Tatlo-katao ang bumu­lagta  matapos salpukin ng pampasaherong bus ang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Barangay Lorenzo, bayan ng Lallo, Cagayan kamakalawa.
 Kinilala ni SPO3 Herardo Conde ang mga biktima na sina Edgar Molina, 43, driver ng motorsiklo; Michael Mirafuente, 21, ng Aparri; at si Rhani Blancaflor, 24, ng Lasam.
 Nabatid na sumubsob pa sa ilalim ng GMW Bus ang mga biktima habang sumuko naman sa pulisya ang driver na si Jackson Alminina, 37, ng nasabing bayan. Kusang sumuko ang driver ng bus matapos ang insidente.

Show comments