Pekeng UN representative arestado

MANILA, Philippines - Bumagsak sa mga ope­ratiba ng pulisya ang impostor na United Nations (UN) representative na si Daniel Xavier na sangkot sa panlilinlang  sa Moro National Liberation Front noong Oktubre sa isinagawang follow-up operations sa Cagayan de Oro City noong Martes ng madaling araw.

Sa ulat ni P/Chief Supt. Juanito Vano, nasakote ang suspek sa bisinidad ng bus terminal sa Barangay Bulua.

Sa tala ng pulisya, si Xavier ang nakipag-deal sa grupo ni MNLF Commander Habier Malik na namuno sa pagsalakay sa limang baybaying barangay sa Zamboanga City noong Oktubre 15  linggo matapos itong magdeklara ng kasarinlan sa Sulu si  MNLF Founding Chairman Nur Misuari.

Magugunita na sa kasagsagan ng pag-atake ay sinabi ni Malik na makikipagnegosasyon lamang sila kay Xavier dahil kinatawan ito ng UN.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest sa kasong rebelyon na inisyu ng Zamboanga City Regional Trial Court, Branch 15 matapos makipagsabwatan sa madugong pag-atake ng MNLF Nur Misuari faction.

The suspect pretended to be a representative of the United Nations and assured the Moro National Liberation Front (MNLF) chairman of the UN’s support in his declaration of independence.

Show comments