Free viewing sa Pacman-Rios sa Tacloban

MANILA, Philippines - Upang maibsan naman ang dinaranas na pagdurusa ng mga biktima ng bagyong Yolanda, magkakaroon ng live free viewing sa laban ni pambansang kamao Manny “Pacman” Pacquiao at Brandon Rios sa Tacloban City, Leyte bukas (Nobyembre 24)

Ayon kay NDRRMC Exe­cutive Director Eduardo del Rosario, base sa report ng Task Force Yolanda, dahil bumagsak ang komunikasyon sa Tacloban City dahil sa hinagupit ng super bagyong Yolanda ay tatlong pangunahing Telecom company ang nagsanib para magkaloob ng free viewing sa laban ni Pacman kay American boxer na si Rios.

Sina Pacman at Rios ay maglalaban para sa bakanteng WBO International Welterweight title sa Macau, China.

“So binigyan natin ng tutok yung mga serbisyo ng TELCOs para mai-setup ang satellite para magkaroon ng collective feed at mapanood sa tatlong areas sa Tacloban City,” ayon kay del Rosario sa Armed Forces­ of the Philip­pines, sinabi naman ni Major Warlino Callueng ng AFP Morale and Welfare Division, may free live coverage naman sa AFP Wellness Center (Gym)  at AFP Medical Center para sa mga sundalo, sibilyang empleyado at pamilya ng mga ito.

Nabatid na maging ang mga dayuhang contingent tulad ng US, Australia, Japan, United Kingdom, Ca­nada at iba pa ay imbitado rin para makapanood ng live free viewing sa AFP Gym.

Ayon naman kay P/Se­nior­­ Supt. Reuben Theo­dore Sindac, hepe ng Public Information Office,  kanselado ang public viewing sa Camp Crame  dahil ang pondo ay idodonasyon na lamang sa mga pulis na nasalanta ng kalamidad sa Leyte at Samar.

Show comments