Mister nagbigti sa panlalamig ni misis

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - - Matinding panibugho sa panlalamig at hinalang mayroon nang ibang  umaangkin sa kanyang misis kaya nagbigti ang 47-anyos na mister sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Masaya Sur, bayan ng San Agustin, Isabela kamakalawa. Ayon kay P/Senior Insp. Reynaldo Maggay, hepe ng San Agustin PNP, bandang alas-2 ng hapon nang matagpuang nakabitin sa kisame ng bahay ang biktimang si Cesar Cabalitasan. Natagpuan ng mga imbestigador ng pulisya ang suicide note ng biktima na isinulat nito sa kalendaryo kaugnay sa problema niya sa panlalamig ng kanyang misis.

Show comments