Misis patay sa abortion

BULACAN , Philippines   â€” Namatay ang 32-anyos na misis matapos nitong ipalaglag sa manghihilot ang pinagbubuntis sa naganap na abortion sa Barangay Lambakin, bayan ng Marilao, Bulacan kamakalawa. Sa imbestigasyon ni PO1 Cherry Mae Bawit, lumilitaw na nagtungo ang biktimang si Rosemarie Payod kasama  ang kanyang anak sa manghihilot na si Nida Burgos upang magpahilot kaugnay sa ipinagbubuntis nito.  Gayon pa man, nahilo ang biktima matapos ipasok ang kapsula sa maselang bahagi ng katawan at painumin ng ilang tableta  habang minamasahe ang tiyan nito. Namatay ang biktima habang ginagamot sa Saint Michael Hospital kung saan nabatid na dalawang buwang buntis ang biktima. Pormal na kinasuhan ng mister na si Romeo Novie ang manghihilot na si Burgos, 61, ng Northville 4-A sa nasabing barangay.

Show comments