^

Probinsiya

Lalaki ‘di nag-intrega ng pera, tinodas ng live-in partner

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

SARIAYA, Quezon , Philippines   - Patay agad ang isang 47-anyos na lalaki matapos na saksakin ng kanyang live-in partner dahil sa pera kamakalawa ng hapon sa Barangay Manggalang 1 ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Amelito Ilao samantalang nakapiit sa municipal jail ang suspek na si Pearly Renolaya, 41.

Ayon sa imbestigasyon, dakong alas-3:00 ng hapon ay huling nakitang nagtatalo ang maglive-in partners dahil sa hindi umano pag-iintrega ng pera ng lalaki sa kinakasamang suspek.

Sa gitna ng mainitang pagtatalo, tumalikod  umano ang biktima na sinamantala naman ng suspek na kumuha ng patalim at itinarak sa likurang bahagi ng katawan ng una.

Na-recover ng pulisya buhat sa pinangyarihan ng krimen ang patalim na may habang 9 na pulgada na may bahid pa ng dugo at sa kasalukuyan ay patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon.

vuukle comment

AMELITO ILAO

AYON

BARANGAY MANGGALANG

BIKTIMA

KINILALA

PATAY

PEARLY RENOLAYA

QUEZON

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with