Pulis nagsangla ng baril, tiklo

BULACAN , Philippines  â€“ Kulungan ang binagsakan ng 31-anyos na bagitong pulis matapos itong arestuhin ng mga kabaro kaugnay sa pagsasangla ng service firearm nito kamakalawa ng hapon sa Barangay Bunlo, bayan ng Bocaue, Bulacan.

Pormal na kakasuhan at isasailaim sa dismissal proceeding ang suspek na si PO1 Richard Panganiban ng Brgy. San Isidro sa bayan ng Hagonoy at  nakatalaga Bocaue PNP.

Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Natahniel Villegas, isinangla ng suspek ang Glock 17 na ipinamahagi ng PNP kay Nicy Agapito ng Sitio Libis para tubusin naman ang nakasanglang motorsiklo nito.

Bukod sa nasabing kaso ay inireklamo rin ang suspek ng isang Emmanuel Lumbao ng Barangay Bagumbayan kaugnay sa sinasabing bentahan ng bawal na droga.

 

Show comments