52 Tsino sa cybercrime fraud, arestado
MANILA, Philippines - Nalambat ng mga opeÂratiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 52 Tsino sa cybercrime fraud na nakapagnakaw ng malaking halaga sa mga kababayan nilang Tsino sa Angeles City, Pampanga.
Ayon kay Atty. Daniel Daganzo ng NBI-Foreign Liason Division, ang pag-aresto sa mga suspek ay bunsod na rin ng kahilingan ng Taipei Economic & Cultural Office kaugnay sa iligal na aktibidad ng Chinese syndicate na nakabase sa Hotel Stotsenberg sa Clark Special Economic Zone, Angeles City, Pampanga, habang nasa China naman ang kanilang mga binibiktima.
Nabatid na modus opeÂrandi ng grupo ang pagnaÂnakaw sa mga credit card information at bank account ng kanilang prospect at magpapanggap silang mga awtoridad upang takutin ang mga biktima.
Palalabasin na may kinakaharap na kaso at hihimukin na tutulungan sa kaso kung maareglo kapalit ng malaking halaga sa pamamagitan ng pagÂdedeposito sa account ng sindikato.
Sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Lylihia Abella-Aquino ng Manila Regional Trial Court Branch 24, sinalakay ng NBI ang nasabing Hotel kung saan tumambad sa kanila ang mga gadgets tulad ng mga wi-fi routers, credit card, laptop, telepono, signal decoders at iba pang dokumento na ginagamit sa operasyon.
Nakatakdang sampahan ng paglabag sa Republic Act 8484 o Access Devices Regulation Act of 1998 ang mga suspek.
- Latest