Adik sa droga pinabulagta

CAVITE, Philippines - – Pinatahimik ang 40-anyos na lalaki na sinasabing adik sa bawal na droga makaraan itong ratratin ng riding-in-tandem kamakalawa ng gabi sa bahagi ng Barangay  Salawag, Dasmariñas City, Cavite.
 Napuruhan sa dibdib  ng tama ng bala ang biktimang si Armando De Guzman ng Phase 5, San Marino City sa nasabing barangay. Ayon sa imbestigasyon, nakaupo ang biktima sa panulukan ng kanto ng Paos at Laos Street nang lapitan at hatawin ng tubo ng isa sa tandem. Kahit sugatan ay nagawang saksakin ng biktima ang  pumalo sa kanya subalit niratrat siya ng ikalawang lalaki. Aminado naman ang pamilya ng biktima na lulong ito sa bawal na droga.

 

Show comments