CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines - – Dalawa-katao ang iniulat na napatay makaraang barilin ng dalawang di-kilalang lalaki na nangholdap sa pampasaherong van sa Sitio Baduyaan, Barangay Bayombon sa Masbate City, Masbate kamakaÂlawa ng hapon.
Kinilala ang mga naÂpatay na sina Dennis Jazul ng Aroroy, Masbate; at Jeffrey Ylaran, 26, security guard ng Faith Micro Financing at rakatira sa Barangay Itom-Bato sa bayan ng Cawayan.
Sa police report na nakarating kay P/SeÂnior Supt. Culbert Sison, Masbate PNP director, lulan ng pampasaherong van (WPIII) ang mga biktima nang magdeklara ng holdap ang dalawang di-kilalang lalaki.
Tinangkang agawin ng holdaper ang bag na nagÂlalaman ng malaking halaga na hawak ni Cristine Parado subalit sinaklolohan ito ng kasamahang sekyu na si Ylaran.
Dito na pinagbabaril ng mga holdaper ang sekyu kung saan nadamay naman si Jazul. Nakatakas naman ang mga holdaper na taÂngay ang malaÂking halaga matapos na bumaba at sumakay sa motorsiklong nakaparada sa nasabing lugar.