Cafgu inutas sa videoke bar
MANILA, Philippines - Sabog ang bungo ng 20-anyos na miyembro ng Cafgu Active Auxiliary matapos itong pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa loob ng videoke bar sa Barangay Dumalian, bayan ng San Miguel, Zamboanga del Sur kamakalawa. Sa ulat ni P/Chief Insp. Ariel Huesca, spokesman ng police regional office 9, naganap ang pamamaslang sa biktimang si Armando Gaston sa Purok Uno bandang alas-10:40 ng umaga. Nabatid na nakikipag-inuman ang biktima sa kaniyang kapatid na lalaki at ilang kaibigan sa videoke house nang lapitan at ratratin sa ulo. Nabulabog naman ang ibang customer ng videoke bar kaya sinamantala ng gunman na makatakas.
- Latest