Mag-lover tiklo sa drug bust

CAMARINES NORTE , Philippines    - Rehas na bakal ang binagsakan ng mag-lover na sinasabing notoryus na drug pusher makaraang masakote ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)  sa isinagawang drug bust operation sa Barangay Dita, Legaspi City, Albay kamakalawa. Pormal na kinasuhan ni Archie Grande, PDEA regional director ang mga suspek na sina Calixto “Nong” Ecal, at Maricon Mirandilla na kapwa nakatira sa nasabing barangay. Nabatid na ang mga suspek ay kapwa nasa watchlist ng PDAE na nagpapakalat ng bawal na droga sa Bicol region. Nasamsam sa mga suspek ang 61.70 gramo ng shabu at cal. 38 revolver na may mga bala  at walang kaukulang dokumento.

 

Show comments