CAVITE , Philippines — Nakikipaglaban kay kamatayan ang magkapatid na baby matapos itong pagsasaksakin ng kanilang ina na naburyong sa kanyang ka-live-in saka nagsaksak sa sarili kamakalawa ng gabi sa Barangay Luksuhin Ibaba sa bayan ng Alfonso, Cavite.
Kasalukuyan isinasalba sa Phil. General Hospital ang mag-utol na sina Bea Delusa Ancan, 2-buwang gulang; at Sophia Delusa Ancan, 1-anyos.
Bantay-sarado naman ang pulisya laban sa suspek na si Andromeda Ancan, 24, matapos itong magsaksak sa sarili at maisugod sa ospital.
Kapwa nagtamo ng limang saksak sa katawan ang mag-utol na baby na sinasabing nangingisay pa nang isugod sa ospital bago inilipat sa PGH dahil sa maselang kalagayan.
Sa inis yal na imbestigasyon ni SPO1 Janet Mojica Dinco, bandang alas-6:30 ng gabi nang mag-away ang ina ng mag-utol at ang ka-live-in nitong si Vencito Delusa.
Nauwi sa matinding pagtatalo ang sigawan ng magka-live-in hanggang sa maburyong at kumuha ng patalim si Andromeda saka pinagsasaksak ang kanyang mga anak na nakahiga sa kama.
Kasunod nito, nagsaksak din sa sarili si AndroÂmeda kung saan nasakÂsihan pa ng kanyang kinaÂkasama bago naÂisugod sa ospital.