^

Probinsiya

Desperadong mister, nagbigti

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang desperadong 68-anyos na mister matapos itong magbigti sa labas ng kanilang bahay sa Barangay  Buenavista 3, bayan ng General Trias, Cavite kamaka­lawa. Sa imbestigasyon ni PO3 Jon Jon Pilapil may hawak ng kaso, alas 10:45 ng umaga ng itawag sa kanila ang pagpapakamatay ng biktima.  Sa ginawang pagsisiyasat ng pulisya, alas-5 ng umaga nang matagpuan ang biktimang si Loereto Ulgado Sr. na nakabitin sa gilid ng tangke ng tubig na may ilang metro ang layo sa kanyang bahay. Pinaniniwalaang dinamdam ng biktima ang pagkakasakit na hindi na maipagamot.

 

vuukle comment

ALAS

BUENAVISTA

CAVITE

GENERAL TRIAS

JON JON PILAPIL

KUSANG

LOERETO ULGADO SR.

PINANINIWALAANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with